LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang lungsod ng Legazpi sa pagbabalik-biyahe ng mga provincial buses na may rutang Manila patungong Bicol.
Ayon kay Bicol Regional Development Council chairman at City Mayor Noel Rosal, hindi apektado ng naturang desisyon ang pagsasailalim sa high risk level ng DOH Bicol sa lungsod.
Sa kabila nito, hindi pa batid kung papayagan sa Metro Manila na nasa ilalim pa ng Modified Enhanced Community Quarantine.
Ayon naman sa ilang alkalde sa rehiyon, itinuturing na welcome development ang balik-operasyon ng provincial buses.
Subalit hindi aniya dapat biglain ang implementasyon nito dahil kailangang makontrol pa rin ang profiling ng mga papasok na pasahero.
Samantala, hindi lamang ang ekonomiya ang labis na naapektuhan ng pandemya, dahil ayon kay Rosal, tumaas rin ang iba pang uri ng iligalidad tulad ng pagdami ng colorum vehicles.