LEGAZPI CITY – Target ni Mayor Noel Rosal na bumili ng Rapid Antigen Test para sa mga locally stranded individuals na uuwi sa lungsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rosal, isang paraan ang paglunsad ng free antigen test upang maiwasan ang paglusot sa mga border chekcpoints ng mga umuuwing LSI mula sa Metro Manila.
Malaking tulong rin ang naturang inisyatibo upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease.
Plano ng alkalde na bumili ng nasa 300 munang antigen test na ilalagay sa Ibalong Centrum for Recreation sa lungsod.
Kailangan aniya ngayon ang humanitarian consideration dahil karamihan sa mga lumulusot sa mahigpit na border checkpoints ay ang mga nawalan ng trabaho sa National Capital Region matapos na isailalim sa ECQ.
Kaya hindi rin aniya masisisi ang mga ito lalo pa’t umaabot sa P3,800 hanggang P4,000 ang halaga ng RT-PCR test.
Sinabi pa ng akalde na kailangan ngayon na pagkakaisa ng lahat ng Pilipino para sa laban ng bansa kontra COVID-19.