LEGAZPI CITY – Wala pa aniyang nakikitang pagbabago sa presyuhan ng mga karneng baboy sa pamilihan sa lungsod ang Legazpi City Veterinary Office.
Ayon kay Legazpi City Veterinarian Dr. Emmanuel Estipona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, compliant naman ang mga meat vendors habang patuloy ang paglilibot ng team sa mga malls at barangay upang makita kung sumusunod ang mga ito sa polisiya sa pagha-handle ng karne.
Nakalatag naman aniya ang contingency plan ng opisina sa tulong ng mga meat inspectors upang hindi makahawa at makaabot sa lungsod ang naturang sakit.
Dagdag pa nitong ‘safe’ ang mga baboy na kinakatay sa slaughterhouse at wala pang nairereport na mataas na mortality.
Sa kasalukuyan ay naglalaro na sa P210.00 hanggang P220.00 ang kada kilo ng karneng baboy.