LEGAZPI CITY — All set na ang lahat para sa isasagawang prestihiyosong Le Tour de Filipinas sa susunod na buwan kung saan kalahok ang Bicol.
Magtatapat-tapat ang 75 riders mula sa 11 international teams at apat na local teams na Pilipinas.
Ang Stage 3 na 183.70-kilometer race ay isasagawa sa Daet, Camarines Norte hanggang sa Legazpi City, Albay habang sakop ng sunod na stage sa Hunyo 17 ang 176 kilometers mula sa Legazpi City via Gubat, Sorsogon at pabalik sa Albay capital.
Ang ikalima at final stage ay isa namang out-and-back race sa Legazpi City suablit via Donsol, Sorsogon para sa kabuuang 145.80 kilometers.
Magki-kickoff ang event sa Hunyo 14 para sa 129.50-kilometer Stage 1 sa pamamagitan ng out-and-back na ruta sa Tagaytay City, Cavite.
Mula rito, lilipat ang mga kalahok sa Lucena City, Quezon Province kung saan mag-o-overnight para sa sunod na araw na Stage 2 sakop ang 194 kilometers mula sa bayan ng Pagbilao patungong sa Daet.
Pangungunahan ito ng Union Cycliste Internationale (UCI) na nag-aalok ng 2.2 category race sa total cash purse na P1.5 milyon.