-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Muling natanggap ng lokal na pamahalaan ng Legazpi ang Seal of Good Local Governance Award sa ika-limang magkakasunod na taon.

Ayon kay Menjo Ofrasio ang tagapagsalita ng Legazpi LGU, mula ang award sa Department of the Interior and Local Government na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan na sumasalamin sa maayos na pagtatrabaho para sa pag-angat ng komunidad.

Ayon kay Ofrasio, kasama sa mga dahilan kung kaya’t muling nakatanggap ang lungsod ng parangal dahil sa magandang pagpapatakbo ng mga opisyal sa LGU na may transparency, may matibay na lider at malakas na mga programang maayos na naipapatupad.

Pinagbasehan din sa award ang aktibong mga Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC, na mayroon ang lungsod tulad ng zero casulty sa mga dumaang kalamida, aktibong pagtatrabaho ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), malakas na turismo at ekonomiya.

Nagbigay naman ng pasasalamat ang opisyal sa lahat ng mga bumubuo ng LGU at lalo na sa mga resident na naging dahilan upang muling makuha ang parangal.