-- Advertisements --
Pumanaw na ang legendary American musician na si Roy Ayers sa edad na 84.
Inanunsiyo ng pamilya nito ang pagpanaw ng singer sa kaniyang bahay sa New York City dahil sa matagal ng sakit.
Si Ayers ay kilalang vibraphonist, composer at pioneer ng jazz funk sa US.
Kilala din siya bilang “Godfather of Neo-soul” kung saan nasa music business ito ng mahigit apat na dekada.
Isa mga hit song nito ay ang “Everybody Loves the Sunshine” na sumikat noong 1976 ng kaniyang bandang Roy Ayers Ubiquity.
Isinilang sa Los Angeles kung saan ang ina nitong si Ruby Ayers ay isang piano instructor habang ang ama nitong si Roy Sr. ay isang trombonist.