-- Advertisements --
Pumanaw na ang Australian singer na si Helen Reddy sa edad 78.
Ayon sa anak nitong sina Traci Donna at Jordan Summers na may sakit na dementia ang nasabing singer sa kanilang bahay sa Los Angeles.
Apat na taong gulang pa lamang siya ng magsimula na itong kumanta.
Taong 1967 ng magsimula ang kaniyang international singing career sa Melbourne, Australia.
Unang hit song nito ay ang “One Way Ticket” at ang “I Am Woman” noong 1971 na siyang itiuturing na kanta para sa mga kababaihan.
Ilan sa mga hit song nito ay ang “You and Me Against the World” noong 1974, “I Don’t Know How To Love Him” noong 1971 at “I Can’t Say Goodbye To You”.