-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary Hollywood actor na si Sidney Poitier sa edad 94.

Kinumpirma ng press secretary Clint Watson ng Bahamas ang pagpanaw ng actor.

Hindi naman na nagbigay pa ang anumang detalye sa kamatayan ng actor.

Nagwagi ang Bahamian-American sa Oscars noong 1963 sa pelikulang “Lilies of the Field” na gumanap siya bilang manggagawa na tinulungan ang mga madre na magtayo ng chapel.

Siya ang naging kauna-unahang Black man na manalo ng international film award sa Venice Film Festival noong 1957, unang nominado para sa Best Actor sa Academy Awards noong 1958 at nagwagi sa nasabing pelikula.

Karamihan sa kaniyang mga pelikula ay tungkol sa racial tensions bilang Americans.