Ikinalungkot ng marami ang pagpanaw ng boxing legend na si George Edward Foreman Sr..
Nabatid na kapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay nang ito ay bawian ng buhay sa edad na 76.
Si George Foreman ay hindi lamang isang tanyag na personalidad sa larangan ng boxing bilang dalawang beses na heavyweight champion ng mundo, kundi isa ring huwaran bilang pilantropo.
Ang kanyang pagiging Olympian ay simbolo ng kanyang tapang at dedikasyon, samantalang ang kanyang pagiging isang pastor ay sumasalamin sa kanyang pananampalataya.
Sa pagpanaw ni George Foreman, hindi lamang isang alamat sa sports ang nawala kundi isang taong may malasakit at disiplina.
Ang legendary boxer ay minsan ding pinuri ang galing ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao, lalo na ang pagiging underdog nito sa mga laban ngunit madalas na nagwawagi.