Pumanaw na ang kilalang Brazilian musician na si Sergio Mendes sa edad na 83.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya ang pagpanaw sa kanilang bahay sa Los Angeles subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Nagwagi ito ng isang Grammy Award, dalawang Latin Grammys at nominado rin ito sa Oscars noong 2012.
Ang kaniyang sikat na bandang Brasil ’66 ay siyang nagpasikat ng mga kantang bossa nova, jazzy at samba style music.
Ang kanilang album na ” “Herb Alpert Presents Sergio Mendes & Brasil ’66″” ay naging platinum noong 1966 kung saan ang kanta nilang “Mas Que Nada” ay ni-record ng grupong Black Eyed Peas noong 2006.
Unang inilabas nitong album ay ang “Dance Moderno” noong 1961 subalit nakilala siya sa pag-record kasama ang mga jazz musicians na sina Cannonball Adderley at Herbie Mann.
Ang kanta nitong “The Look of Love” ay naging sikat kung saan ginamit pa ito sa pelikulang “Casino Royale” nong 1967.
Naulila nito ang asawang si Gracinha Leporace na isa ring Brazilian singer at limang anak.