-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary songwriter na si Cynthia Weil sa edad 82.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Dr. Jenn Mann ang pagpanaw ng ina subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye dito.

Si Weil ay isang Rock and Roll Hall of Fame inductee dahil sa kontribusyon ito sa musika.

Nakilala si Weil sa mga ginawa nitong kanta gaya ng “You’ve Lost That Lovin’ Feelin” ng The Righteous Brothers at “Through the Fire” ni Chaka Khan at maraming iba pa.

Kasama nito sa paggawa ng kanta ang asawang si Barry Mann kung saan ikinasal sila sa loob ng 62 taon.

Nakatanggap ito ng 112 pop, country at R&B awards mula sa BMI records.