-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Swedish pop group na ABBA ang paglabas ng kanilang bagong album matapos ang 40 na taon.

Ang “Voyage” ay nakatakdang ilabas sa darating na Nobyembre 5.
Mayroong 10 kanta ang nasabing bagong album.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng grupo ang pagsasagawa nila ng virtual concerts na gaganapin sa Olympic park sa London sa susunod taon.

Magaganap ito ng anim na gabi kada linggo.

Magugunitang sumikat ang grupo noong dekada 70 at ilang sa mga patok na kanta nila ay “Mama Mia”, “Waterloo”, “Dancing Queen” at maraming iba pa.