-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary guitarist at co-founder ng bandang Van Halen na si Eddie Van Halen sa edad 65.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Wolfgang kung saan may sakit na itong throat cancer at nalagutan ng hininga sa St. John Hospital sa Santa Monica.

Mahigit 10 taon na ang nasabing sakit nito kung saan labas-pasok na siya sa pagamutan at noong Nobyembre ay nagkaproblema siya sa intestine.

https://www.instagram.com/p/CGA4YQmlmSr/?utm_source=ig_embed

Nagtungo na rin ito sa Germany para sumailalim sa radiation treatment.

Kahit na may sakit ay patuloy pa rin itong dumadalo sa concert ng banda kung saan kinuha niyang bassist ang anak na si Wolfgang mula pa noong 2006.

Binuo ni Eddie ang classic rock band noong 1972 sa Pasadena kasama ang kapatid na si Alex bilang drummer at mga miyembro na sina Michael Anthony sa bass at David Lee Roth bilang vocalist.

Nagsilbi itong tagasulat ng kanta sa self-titled album nila noong 1978 na sumikat noong dekada 80.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Runnin’ with the Devil” , “Unchained”, ” Hot for Teacher”, “Panama” at “Jump”.

Kasama rin siya na nag-guitar solo sa kantang “Beat It” ni Michael Jackson.