-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang sumbrero na ginamit ng legendary pop singer Michael Jackson.

Ang nasabing sumbrero ay ginamit ng namayapang singer sa kaniyang sikat na moonwalk dance mahigit na apat na dekada na kung saan ito ay kaniyang inihagis.

Gaganapin ang nasabing auction sa Hotel Droruot sa Paris sa darating na Setyembre 26.

Inaasahan na ang itim na fedora hat ay maibebenta ng hanggang $107,000.

Aminado naman ang organizer ng auctin na Artpeges gallery na bumagsak ang halaga ng mga gamit ng namayapang singer dahil sa pagkalat ng mga pekeng gamit at ang akusasyon laban dito noong ito ay nabubuhay pa.

Matagal na kasing inakusahan si Jackson ng pang-aabuso sa mga kabataan na mariing pinabulaanan nito hanggang sa pumanaw siya noong 2009 sa edad na 50.