-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary musician na si Quincy Jones sa edad na 91.

Kinumpirma ito ng kaniyang publicists na si Arnold Robinson kung saan nalagutan na ito ng hininga sa bahay niya sa Bel Air.

Hindi na niya binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.

Mahigit 75 taon ang kaniyang career kung saan nagwagi ito ng 28 Grammy Awards at kinilala bilang most influential jazz musicians ng 20th century ng TIME magazine.

Naging katrabaho niya si Frank Sinatra na siyang muling nag-areglo ng kantang “Fly Me To The Moon”.

Kilala siya na producer ng “Thriller” album ni Michael Jackson ganun din ang “Bad” album niya.

Noong 1985 ay tinipon niya ang mga 46 na sikat na singers ng US gaya nina Jackson, Bruce Springsteen, Tina Turner at Cyndi Lauper para gawin ang kantang “We Are The World”.

Nakagawa rin ito ng mga soundtrack ng mahigit 50 pelikula at TV programs kasama na ang 1969 British film na “The Italian Job”.