-- Advertisements --

Pumanaw na ang natitirang orihinal na miyembro ng legendary rock band na Lynyrd Skynyrd na si Gary Rossington sa edad 71.

Kinumpirma ng kaniyang banda na ito ay nalagutan ng hininga sa kaniyang bahay.

Hindi na nito binanggit pa ang sanhi ng kamatayan ng gitarista.

Noong 2015 kasi ay inatake na siya sa puso at sumailalim na rin siya ng emergency heart procedure noong 2019.

Magugunitang noong Oktubre 1977 ng bumagsak ang sinasakyan ng banda na eroplano kung saan nasawi ang lead singer ng banda na si Ronnie Van Zant, gitaristang si Steve Gaines at kapatid na babae na nagsisilbing back up vocalist na si Cassie Gaines.

Milagro itong nabuhay kung saan nasugatan lamang ang kaniyang braso, binti at paa.

Umabot pa ng 10 taon bago nabuo muli ang banda noong 1987 kung saan sumali si Rossington sa banda na mayroong mga bagong miyembro.

Taong 2006 ng itanghal sa Rock and Roll Hall of Fame ang nasabing banda.

Ilang mga kanta na pinasikat ng banda ay ang “Freebird” at “Sweet Home Alabama”.