-- Advertisements --

Inaasahan na maibenta sa halagang $6 milyon ang boxing shorts na isinuot ni legendary boxer Muhammad Ali.

Ayon sa Sotheby Auction House, na ang nasabing iconic shorts ay isinuot ni Ali sa makasaysayang laban niya kay Joe Frazer sa Pilipinas na tinawag na “Thrilla in Manila” noong Oktubre 1975.

Ang nasabing laban kung saan nanalo si Ali ay itinuturing na brutal finish at tinaguriang ‘greatest trilogy’ sa kasaysayan ng boxing.

Magsisimulang ibenta ang nasabing shorts sa Abril 12.

Ang nasabing short ay ibinigay ni Ali sa cornerman nito na si Drew “Bundini” Brown kung saan ito ay pirmado ng boksingero.

Unang naibenta ito sa auction noong 1988 noong pumanaw si Bundini sa halagang $1,000 at huling naiauction ito noong 2012 sa halagang $150,000.