Patuloy pa rin ang pagpapagaling ni Rock ‘n’ roll legend Jerry Lee Lewis matapos na ito ay ma-stroke.
Matapos kasi na mailabas sa pagamutan ay dinala ang 83-anyos na si Lewis sa isang rehab center sa Memphis para sa tuluyang paggaling nito.
Sinabi ng kaniyang neurologist na si Dr. Rohini Bhole, malaki ang posibilidad na gumaling na ang singer.
Ayon naman sa tagapagsalita ni Lewis na si Zack Farnum, dahil sa kaniyang sakit ay kinansela na nila ang ilang mga performance nito.
Ilan sa mga dito ay ang pagdalo niya sa New Orleans Jazz Festival sa Abril 28, show sa Tennessee Theather sa Mayo 18 at ang paglabas niya sa Birchmere sa Alexandria, Virigina sa Hunyo 8.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Great Balls of Fire” at “Whole Lotta Shakin’ Goin’ On” at maraming iba pa.
Nasangkot ito sa ilang mga iskandalo gaya noong edad 20 pa lamang ito ng magkarelasyon sila ng pinsang 13-anyos, ang aksidenteng pamamaril sa bass player nito noong 1976 at ang pakikipaglaban niya sa Internal Revenue Service.