-- Advertisements --

Tiwala ang legendary singer na si Paul Simon na muli itong makakabalik sa pagtugtog ng live.

Ito ay matapos na mawalan siya ng pandinig sa kaniyang kaliwang tenga.

Dagdag pa nito na kahit sagabal ang nasabing kapansanan nito na tumugtog ay naniniwala pa rin itong makakabalik sa pagtugtog sa mga concerts.

Bago ang kaniyang ginawang anunsiyo sa kawalan niya ng pandinig noong 2018 ay nakapag-concert tour pa ito.

Nakatakdang ipalabas naman sa sinehan ng United Kingdom ang kaniyang “In Restless Dreams: The Music of Paul Simon,” sa Oktubre 13 kasabay ng kaniyang ika-83 birthday.