-- Advertisements --
Kabilang ang beteranong singer na si Rod Stewart na magtatanghal sa Glastonbury’ legends slot sa susunod na taon.
Ito ang unang pakakataon na muli siyang magtatanghal matapos ang 23 taon.
Bilang isa sa mga best-selling artists of all time ay masusundan niya ang hakbang ng ibang singers gaya nina Dolly Parton, Barry Gibb, Shania Twain at Kylie Minogue.
Labis naman na nagpasalamat ang 79-anyos na singer at tiyak na paghahandaan niya ang nasabing tugtugan sa darating na Hunyo.