-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary singer na si Tina Turner sa edad na 83.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo na nalagutan na siya ng hininga sa kanilang bahay sa Kusnacht malapit sa Zurich, Switzerland.

Taong 2016 ng ma-diagnosed ito ng intestinal cancer at matapos ang isang taon ay sumailalim siya ng kidney transplant.

Isinilang siya bilang si Anna Mae Bullock noong Nobyembre 26, 1939 at lumaki sa Nutbush, Tennessee.

Bahagi siya sa isang choir sa kanilang simbahan at doon siya nagsimulang kumanta.

Mula noon ay naging bahagi siya ng Ike;s band sa St. Louis ang banda ng kaniyang asawa.

Ang kaniyang asawang si Ike Turner ang nagpangalan sa kaniya bilang Tina Turner.

Matapos ang ilang taon na pagsasama ay nagkahiwalay sila dahil sa pang-aabuso at nag-solo na lamang siya.

Ilan sa mga kantang pinasikat niya ay ang “Private Dancer”,”What’s Love Got To Do With It” kung saan mayroong 180 milyons ang naibenta sa buong mundo at nakakuha ito ng 12 Grammy Awards.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na magkakaroon ng private funerals para sa kaniya at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye dito.