-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary soul singer na si Frankie Beverly sa edad na 77.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo at nakiusap na lamang na gawing pribado ang sanhi ng kamatayan nito.

Si Beverly ay siyang nakilala na nagtaguyod ng Funk band na Maze.

Sumikat siya noong dekada 60 sa doo-wop group na The Blenders bago bumuo ng soul group na The Butlers.

Mas nakilala siya ng binuo ang bandang Maze noong 1970 kung saan pinasikat nila ang mga kantang “Happy Feelin’s,” “While I’m Alone,” at “Before I Let Go,”.

Matapos ang 50 taon na pagtatanghal ay nagsagawa na ito ng farewell tour at final show noong Huly sa Dell Music Center sa North Philadelphia.