-- Advertisements --

Pumanaw na ang WWE legend na si Sid Vicious sa edad na 63.

Ayon sa pamilya nito na hindi na niya nakayanan ang pakikipaglaban sa cancer.

Pinasalamatan ng kaniyang anak na si Gunnar ang mga nagpaabot ng pakikiramay at pagdarasal sa namayapang ama.

Si Sid o Sid Eudy ang tunay na pangalan ay kilala sa WWE at WCW na nagwagi ng world championships ng ilang beses.

Dekada 80 ng magsimula ito sa kaniyang professional career at nagkaroon ng iconic matches kabilang siya sa WrestleMania VIII at WrestleMania XI.