-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumailalim sa isang refresher course ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Municipal Vice Mayor Herlo P. Guzman, Jr. kasama ang mga konsehal ng bayan.

Ang pagsasanay ay mainit na sinuportahan ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman na aniya isa itong hakbang upang mas maging competitive ang bayan sa pagbalangkas ng mga ordinansang mas makakapagbigay ng serbisyong ramdam, tapat, at totoo sa publiko.

Samantala, naging madamdamin naman ang muling pagkikita ng ilang lider mula sa pitong barangay na napaloob sa BARMM na kung saan siniguro ni Mayor Gelyn na gagawin nito ang lahat upang makapag-abot ng tulong at serbisyo sa mga nasabing barangay.

Naging tagapagsalita si Cotabato DILG Narciso M. Becira, Jr., JD. at si G. Jose N. Villanueva, Jr. ng Kiamba, Saranggani upang magbigay ng kaalaman sa mas maayos na pagbalangkas ng mga ordinansa.