-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Ipinagbabawal na muli ang leisure travel sa Baguio City.
Nakasaad ito sa Executive Order No. 51, series of 2021 na linagdaan ni Mayor Benjamin Magalong at nagtatakda ng mga alituntunin para sa lungsod ng Baguio habang nasa ilalim ito ng General Community Quarantine.
Pinapahintulutan lamang ang local tourism o staycation para sa mga residente ng lungsod at mga essential/business o work-related travels.
Dahil dito, pinapayuhan ng city government ang mga may pre-approved travels at mga nabigyan na ng QR-Coded Tourist Pass na magpa-re-book o kanselahin na lamang ang kanilang nakatakdang pagbisita sa City of Pines.