Niluwagan na ng gobyerno ang COVID-related restrictions sa domestic travel kung saan pinapayagan na ang leisurely trips mula NCR Plus papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ kahit ano pa ang edad, simula sa Hunyo 1 hanggang Hunyo 15.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na negatibo ang bibiyahe sa COVID-19 test at susunod sa mga local government guidelines.
Nilinaw naman ni Sec. Roque na ang pinaluwag na travel requirements ay para lamang sa point-to-point travel.
Kabilang sa NCR Plus ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.
Samantala, inihayag din ni Sec. Roque na pinapayagan na rin ng IATF ang outdoor non-contact sports, 30% operating capacity para sa mga venue meetings o conferences, 40% operating capacity para personal care services habang 30% outdoor tourist attractions sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions kasama na ang Metro Manila.