-- Advertisements --
Kinumpirma ni dating Vice President Leni Robredo na nahack ang kanyang social media account na “X”.
Sa kanyang pahayag ay sinabi nito sa publiko na baliwalain na lamang ang anumang content o post na magmumula sa kanyang account.
Aniya , sa ngayon ay patuloy nilang ginagawan ng paraan para makuhang muli ang acesss nito.
Plano naman ng kampo na ilapit ito sa mga awtoridad para sa kaukulang aksyon.
Si Robredo ay tumatakbo bilang alkalde ng Naga City para ngayong nalalapit na halalan.
Inaalam pa kung ang insidenteng ito ay may kinalaman sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod.