-- Advertisements --
Lente Legal Network for Truthful Elections

May napili na ang Comelec na mangunguna sa random manual audit (RMA) sa nalalapit na halalan kasunod ng pag-atras ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel).

Inanunsyo nitong araw ni Comelec Commissioner Luie Tito Guia na ang Legal Network for Truthful Elections (Lente) ang magiging kapalit ng Namfrel para sa RMA.

Sinabi ni Guia, ang Commissioner-in-Charge ng RMA, na nakipag-ugnayan sila sa iba pang mga grupo para punuan ang inabandonang trabaho ng Namfrel matapos itong tumanggi sa kanilang accreditation bilang citizens’ arm para sa halalan makaraang tanggihan naman ng Comelec ang kanilang request na access sa mga election data.

“It was Lente who said yes, but the condition is they are also willing to accept other groups to help the Philippine Institute of Certified Public Accountants because they are well-versed in the process of auditing,” saad ni Guia sa isang pulong balitaan tatlong araw bago ang May 13 elections.

Samantala, sinabi ni Lente Executive Director Rona Ann Caritos na ang kanilang grupo, na binubuo ng mga volunteer lawyers, law students, at paralegals na trained mag-monitor ng halalan, ay handa sa kabila ng kakapusan ng oras.