Inanunsyo ng mga labor leaders na sina Leody de Guzman at Luke Espiritu na sila ay tatakbo para sa pagkasenador sa susunod na taon.
Pormal nila itong inanunsyo sa ika-31 taong anibersaryo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).
Sa talumpati ni de Guzman, binigyang-diin nito na puno’t dulo ng mga isyung inilalaban ng bawat isa ay dahil sa political dynasty, ang elite ng pamahalaan na gumagawa ng mga batas, patakaran at programa na naglilingkod sa malalaking negosyante.
Samantala, hindi lamang political dynasties ang binanggit ni Espiritu sa kanyang talumpati maging si Pangulong Ferdinand Marcos at Vice President Sara Duterte.
Hindi dapat aniya tanggapin si Marcos at Duterte na nagdidikta ng pampolitikang diskurso sa ating lipunan na ngayon ay gusto na umanong kamtin ang pampolitikal na kapangyarihan.
Magugunitang, tumakbo sa pagkapangulo si de Guzman noong 2022 sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa, na nasa ika-walong pwesto. Bago ito, tumakbo rin siya noong 2019 sa pagkasenador at nasa ika-38 pwesto.
Tumakbo naman si Espiritu noong 2022 Senate race sa ilalim partido nina De Guzman-Bello. Nasa ika-34 na pwesto si Espiritu na may 3,470,550 na boto.