-- Advertisements --
Lumakas pa ang tropical storm Leon, habang nananatili sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Tinatayang lalakas pa ito sa mga susunod na oras, ngunit hindi nakikita ang tyansa ng landfall sa alinmang parte ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,000 km sa silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 km/h.
May lakas itong 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 90 km/h.
Posible namang magtaas ng tropical cyclone wind signals sa mga lugar na nasa silangan ng Luzon sa mga susunod na araw.