-- Advertisements --

Nakakaranas ng malakas na pag-ulan at hangin ang malaking bahagi ng Batanes dahil sa bagyong Leon.

Ayon sa PAGASA, na patuloy ang pagbayo ng bagyong Leon sa Batanes habang ito ay papalapit sa dulong bahagi ng northern Luzon.

Base sa pagtaya ng PAGASA nakita ang sentro ng bagyo sa 140 kilometers ng silangan ng Basco, Batanes.

May taglay ito ng lakas ng hangin ng 185 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 230 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa Itbayat at Basco sa Batanes.

Habang nakataas ang signal number 4 sa natitirang bahagi ng Batanes.

Nasa signal number 3 naman ang mga lugar ng Calayan Island, Camiguin Island at Babuyan Island ganun din ang Santa Ana sa Cagayan.

Nasa signal number 2 naman ang mga natitirang bahagi ng Babuyan Island, natitirang bahagi ng Cagayan, Apayao; Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon sa Isabela; Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal sa Kalinga, Ilocos Norte at Tineg, Lacub, Malibcong sa Abra.

Nakataas ang signal number 1 sa mga natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Abra, natitirang bahagi ng Kainga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, the northern.

Kasama rin ang mga bayan ng Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, Tayug, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Alcala, San Manuel, Sual, Umingan, Asingan, Labrador, Bani, Santo Tomas, Pozorrubio, San Quintin, Santa Maria, City of Urdaneta, Laoac, Natividad, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Agno, Calasiao, San Nicolas, Santa Barbara, Balungao, Sison, Rosales, Dasol sa lalawigan ng Pangasinan; Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Llanera, Science City of Mu oz, General Mamerto Natividad, San Jose City, Lupao, Talugtug, Gabaldon sa Nueva Ecija at sa mga lugar ng asiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, Dilasag sa Aurora.

Inaasahan na sa hapon pa ng Oktubre 31 ay maglalandfall sa silangang karagatang bahagi ng Taiwan ang bagyong Leon.

Mahigpit pa rin ang pagpapababal ng PAGASA ang lubhang mapanganib na paglalayag sa mga karagatan.