-- Advertisements --
Pipiliin pa rin ni NBA Finals Most Valuable Player Kawhi Leonard na manatili sa Toronto Raptors.
Kasunod ito sa usapin na maaring gamitin niya ang kaniyang player option na puwede siyang lumipat sa ibang koponan.
Bagamat hihintayin pa ng Raptors ang final desisyon nito hanggang Hunyo 29 kasabay ng kaniyang ika-28 taon kaarawan.
Bilang native ng Los Angeles, may mga ulat na maaaring interesado ito sa pagsali sa Los Angeles Clippers at New York Knicks.
Tanging ang Raptors kasi ang maaaring makapag-alay ng $190 million max deal sa loob ng limang taon na mas mataas pa ng $15 million na makukuha ni Leonard mula sa ibang koponan.