-- Advertisements --
Kinasuhan ni Toronto Raptors star Kawhi Leonard ang Nike dahil sa paggamit ng kaniyang personal logo ng hindi ipinapaalam sa kaniya.
Sa siyam na pahinang reklamo ni Leonard sa US District Court ng California, na ang paggamit ng sporting brand ng kaniyang logo ay iligal.
Sinabi pa ng Raptors star mula pa noong taong 2011 noong ito ay na-draft sa NBA ay ginawa niya ang logo.
Ang nasabing logo ay sumisimbolo sa kaniyang kamay na isinulat ang inisyal niya na KL.
Sinasabing walang paalam din daw ang kompaniya sa pagkuha ng copyright sa nasabing logo.
Nakatakda kasing magtapos na ang kontrata ni Leonard sa Nike sa darating na Setyembre at ito ay nakakontrata na ngayon sa New Balance.