Bumuslo ng 25 points si Kawhi Leonard upang pangunahan ang pagkalawit ng Los Angeles Clippers sa 120-105 panalo kontra Houston Rockets.
Hindi rin nagpaawat sina Ivica Zubac na tumipon ng 17 points at 12 assists, at dinagdagan ni Montrezl Harrell ng 19 points at 10 rebounds mula sa bench.
Mistulang sinamantala ng Los Angeles ang inalat na performance ng Houston, lalo na sa 3-point range na nagrehistro lamang ng 7-of-42.
Bunsod nito, itinala ng Clippers ang kanilang ikaanim na sunod na panalo.
Nanguna naman sa hanay ng Rockets si Russell Westbrook na tumabo ng 29 points at 15 rebounds.
Naging matamlay din ang performance ni James Harden kung saan nagmintis ang lahat ng walong pagtatangka nito sa 3-point line, at nagtapos lamang na may 16 points.
Bumuo ng 67-44 abanse ang Clippers sa halftime makaraang limitahan sa dalawa ang 22 3-point attempts ng Rockets.
Nagpatuloy ang kamalasan ng Houston matapos ang break kung saan nagmintis ang 11 sa 12 3-pointers ng team sa third quarter.
Maliban dito, pumalya rin ang layups ng Houston, dahilan para manatili sa Los Angeles ang 90-65 lead pagpasok ng final canto.