-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang Tomboy sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato alas-6:15 nitong gabi ng Linggo.

Nakilala ang biktima na si Nerissa Tababa na residente ng Purok 3, Barangay Sangat, M’lang, Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na nakaupo lamang ang biktima hindi kalayuan sa kanyang tahanan ng biglang dumating ang riding in tandem suspects at pinagbabaril ito gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng M’lang.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa pamamaril-patay sa biktima.