Naghahanda na ngayon ang parliyamento ng United Kingdom upang bumoto sa Brexit deal na napagkasunduan sa pagitan ni British Prime Minister Boris Johnson at European Union.
Ayon kay Opposition leader Jeremy Corbyn, mas lalo lamang palalalain ng Brexit ang kalagayan ng Northern Ireland. Aniya, malaki rin umano ang magiging impact nito sa mga susunod na henerasyon.
Handa naman suportahan ng mga ka-alyado ni Johnson sa Northern Ireland ang Letwin amendment na naglalayong i-hold muna ang approval ng prime minister ukol sa pagkalas ng Britanya sa EU hanggang sa ligtas na maipatupad ng lehislatura ang nasabing withdrawal.
Kinakailangan makakuha ni Johnson ng 320 votes mula sa Members of the Parliament hinggil sa kaniyang Brexit deal.
Kumpiyansa rin daw ang UK prime minister na makukuha nito ang suporta ng mayorya bago ang October 31 deadline.