Iniulat ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa nanatili pa ring sapat ang level ng tubig sa Angat Dam at ito ay hindi magdudulot ng pagkaputol ng supply ng tubig sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Ayon kay MWSS division manager Patrick Dizon, maaaring magkaroon pa rin ng mga interruption upang bigyang-daan ang pag-aayos ng leak, pagpapanatili ng mga pasilidad at pagpapalit ng metro.
Sinabi ni Dizon na ang MWSS, ang National Water Resources Board, National Irrigation Administration at ang Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration, ay patuloy na namamahala sa mga antas ng dam lalo na’t ang elevation nito ay bumababa sa mga buwan ng tag-araw.
Batay sa datos ng National Power Corp. ang elevation ng Angat Dam ay nasa 213.45 meters na higit sa 212 meters normal high water level ng pasilidad.
Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa ang MWSS na magiging sapat ang suplay ng tubig kahit na may inaasahang epekto ng El Nino hanggang sa ikalawang quarter ng taong ito.
Gayunpaman, patuloy na hinihikayat ng ahensya ang publiko na maging matalino sa pagkonsumo.
Ang Angat Dam ay nagsusuplay ng hilaw na tubig para sa mga lugar ng serbisyo ng MWSS sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal Provinces.
Nagbibigay din ito ng tubig para sa mga serbisyo ng irigasyon sa Bulacan at Pampanga.