-- Advertisements --

Mayroong sapat na suplay ng tubig ang Angat Dam para sa mga naninirahan dito sa Metro Manila.

Ito ang pagtitiyak ng National Water Resources Board sa pamamagitan ni executive director Sevillo David Jr.

Sinabi ni David na mayroong 198.15 meters o 4 na metro na mas mataas pa kumpara noong parehas na buwan noong nakaraang taon.

Sa nasabing level ng tubig ay magiging sapat na ito para sa pagsuplay sa mga mamamayan ngayong panahon ng tag-init.