-- Advertisements --

Kinasuhan ng isang reggae band si British pop star Dua Lipa dahil sa pagnanakaw umano ng kanilang kanta.

Ayon sa Florida-based band na Artikal Sound System na malinaw na isang ripoff ang kanta ni Dua Lipa na “Levitating”.

Ang nasabing kanta aniya ay hindi nalalayo sa kanta nilang sumikat noong 2017 na “Live Your Life”.

Base sa nasabing kaso na ang kasama ng banda ang label company na Warner Bros. kung saan pinakinggan nila ang kanta at ito nga ay walang pagkakaiba sa kanilang kantang “Live Your Life”.

Humihingi ng monetary compensations ang grupo mula sa kinita ng British pop singer.