-- Advertisements --

Niyanig ng Magnitude 6 na lindol pasado alas-6 ngayong gabi ang Leyte.

Naitala ang Intensity VI sa Dulag, Leyte habang Intensity V naman sa mga bayan ng Abuyog, Mahaplag, at Buruaen sa Leyte.

Bandang 6:25 PM naman ay naitala ang aftershock na Magnitude 2.5 sa Abuyog, Leyte.

Inaasahan pa ang mga aftershock sa mga susunod na oras.