CENTRAL MINDANAO – Isinangguni ni Governor Nancy Catamco ang usapin upang magawan ng paraan at matulungan ang mga LGBT community at mga beauticians na apektado rin ang pangkabuhayan dahil sa nangyaring pagsarado ng establisyemento bunsod ng COVID crisis.
Naging pangunahing usapin ito sa ginanap na 2nd Economy Response Cluster Virtual Meeting ng NEDA Region XII.
Nag-ugat ang pag-alaala ng gobernadora nang lumapit sa kanya ang asosasyon ng LGBT at beauty parlor owners ng Kidapawan City na may mahigit 3000 miyembro upang humingi ng suporta.
Nabatid na ang mga ito ay hindi naging eligible sa DSWD SAP dahil karamihan sa kanila ay single.
Hindi rin nakakuha ng suporta sa DOLE Camp ng P5,000 financial assistance dahil sa kapos na budget.
Sinabi ni Gov Catamco na dapat na mabigyan ito ng kaukulang atensyon dahil sa laki ng sektor at pawang sila ay may mga pamilyang din na binubuhay.
Ayon sa DOLE-12 D hindi nila kinayang mabayaran ang lahat ng aplikante dahil sa kakulangan ng pondo.
Kanila itong iakyat sa pamahalaang nasyunal upang mahanapan ng paraan.
Iaakyat sa national level ang usapin dahil sa laki ng sektor na apektado, base sa resolusyong naipasa.
Sa virtual meeting ay tampok ang mga gobernador ng SOCCSKSARGEN, DILG Director Josephine Leysa, RD Teresita Ramos ng NEDA, Nicanora Rabara ng FDA 12, Mahmud Kingking ng DOST at iba pang ahensya.