Patuloy ang panawagan ng mga mambabatas at aktibista sa buong mundo upang huwag ituloy ng bansang Brunei ang pagpapatupad nito ng death penalty sa mapapatunayang guilty sa homosexual sex.
Sa pahayag na ibinahagi ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, umapela ito sa gobyerno ng Brunei na tigilan na umano ang pilit na pagpapatupad nito ng brutal na parusa.
Dagdag naman ng Asian LGBT rights coalition na ASEAN SOGIE Caucus na nagdulot umano ng takot sa LGBTIQ community ang bagong batas na ito sa bansa.
Una ng nagpahayag ng pag-boycott si Hollywood George Clooney sa lahat ng hotels na konektado sa Brunei, na agad namang nakakuha ng maraming suporta mula sa iba pang hollywood celebrities.
Kung matatandaan, ipapatupad na ng Brunei ang mas mahigpit nitong batas kung saan babatuhin hanggang sa mamatay sa mga mapatutunayang guilty sa homosexual sex.