-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pormal nang sinampahan ng kasong murder ang guro na umano’y mastermind sa pagpatay sa isang college student sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Police Capt. Juncint Rafols Aput, hepe ng Tampakan PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang biktima na si Jade Vince Eribal, 21 anyos, resident eng Purok San Isidro, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Habang ang suspek ay si Rustom Pedrosa Baloyo, 23 anyos, residente ng Barangay Purok Mainuswagon, Poblacion, Tampakan, South Cotabato, guro ng isang pampublikong paaralan at kasapi ng LGBT.

Ayon kay Aput, matibay ang ebedensiya na nagtuturo sa suspek dahil nakunan ito ng CCTV footage, at nabigkas pa umano ng biktima ang pangalan ng suspek bago ito binawian ng buhay.

Batay pa sa imbestigasyon ng Tampakan PNP, lumalabas na posible selos ang motibo sa krimen.

Matagal na umanong may alitan ang dalawa at makailang beses na rin na nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa suspek.

Gigamit umano ng suspek ang FB account ng kaibigan ng biktima upang maisakaturapan ang plano nito.

Magugunitang namatay si Eribal matapos na pagsasaksakin ito ng kanyang kaangkas sa motorsiklo noong Sabado ng gabi, Oktubre 8 sa Barangay Poblacion, Tampakan.

Sa ngayon, hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktima sa pagkamatay nito.