-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nasa maselang kondisyon ang isang bakla sa pamamaril nitong gabi ng Lunes sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si alyas Lyn,residente ng syudad ng Kidapawan.

Ayon sa ulat ng pulisya na naglalakad lamang ang biktima sa Osmeña Drive, Barangay Poblacion Kidapawan City ng itoy pagbabarhilin ng mga hindi kilalang suspek.

Ayon sa mga nakatira sa naturang lugar na limang mga putok ng baril ang kanilang narinig bago nakita ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa daan.

Agad itong dinala sa pagamutan at kritikal ang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril sa biktima.