KALIBO, Aklan—Tiwala ang lokal na pamahalaan ng Aklan na hinde makakaapekto sa tourist arrivals sa isla ng Boracay ang nangyaring pagpatay at umano’y panggagahasa sa Slovakian tourist na itinuturing na isolated case ng Philippine National Police.
Ayon kay Caticlan at Cagban port administrator Esel Flores, labas-pasok sa ngayon ang mga law enforcement agencies sa Boracay para mabigyang hustisya sa madaling panahon ang pagkasawi ni Michaela Mickova, 23-anyos ng bansang Slovakia.
Dahil sa itinuturing na seryoso ang nasabing insidente, naniniwala parin si Flores na kahit may negatibo itong impact sa isla, hindi aniya ito sumasalamin sa kabuuang sitwasyon ng peace and order sa lugar.
Nakakalat aniya ang mga kapulisan, auxiliary police at iba pa sa isla at buong bayan ng Malay upang mabigyang proteksyon ang mga turista at gayundin na mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa nasabing isla.
Kasabay nito, ipinagmalaki ng opisyal na mas pang tumaas ang tourist arrivals sa Boracay mula Enero hanggang sa unang dalawang linggo ng Marso 2025 kung ihahambing sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Nabatid na noong Marso 1 dumating sa Boracay anang nasabing turista upang dumalo sa kasal ng kaniyang Pinay na kaibigan.
Ngunit, noong Marso 10 ay naireport ito sa mga awtoridad na missing at may inilaan na P50,000 na reward money sa makakita sa kaniya hanggang sa noong Marso 12 ay natagpuan na lamang siya sa posisyon na hindi makataong kamatayan.