-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpapatuloy ang local government unit (LGU) ng Alamada, Cotabato sa pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng bayan na naapektuhan ng krisis dulot ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Alamada municipal administrator Allan Singco na una nang nakatanggap ng ayuda ang nasa 3,000 residente ng Barangay Bao.

Kabilang sa mga ayuda na ipinamahagi sa bawat benepisyryo ay 15 kilos ng bigas, vegetable seedlings at multivitamins.

Laking pasasalamat ng mga residente ng Brgy. Bao sa lokal na pamahalaan dahil sa walang sawang pagbibigay tulong sa kanila na hirap pa ding makabangon sa panahong ito.

Nagpapasalamat naman ang LGU-Alamada sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), staffs, frontliners at iba pa na naging katuwang nito sa pamamahagi ng ayuda.

Ipagpapatuloy ang relief distribution sa iba pang barangay sa bayan ng Alamada sa mga susunod na araw.