-- Advertisements --
relief ops
Relief operations

CENTRAL MINDANAO-T aong bayan at mga local officials ng Maguindanao ay namahagi ng tulong sa mga biktima ng lindol sa probinsiya ng Cotabato.

Inabot mismo nina Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal,Ist Lady Bai Kristel Montawal at mga kawani ng LGU ang tulong nito sa mga biktima ng lindol sa Kidapawan City.

Ang mag-amang Montawal ay dumaan muna ito sa Command Center ng LGU-Kidapawan na pinamumunuan ni Mayor Joseph Evangelista para sa koordinasyon at maayos na pamamahagi ng tulong sa mga evacuation center.

Sunod na binigyan ng tulong ng LGU-Montawal ang bayan ng Makilala Cotabato na grabeng binayo nang lindol.

Ang pamamahagi ng tulong ng Datu Montawal Maguindanao ay pagmamahal ng mag-amang Montawal sa kanilang kapwa na grabeng sinalanta ng lindol sa North Cotabato.

Sinabi ni Mayor Montawal na makakabangon ang lahat sa sinapit nitong trahedya kung sama-sama,tulong-tulong at nagkakaisa.

Nagpasalamat naman si Cotabato Acting Governor Emmylou”Lala”Mendoza sa tulong na inihatid ng mag-amang Montawal kung saan inuga rin sila ng lindol.

Matatandaan na una ng namahagi ng tulong sa North Cotabato si dating Maguindanao Governor at incumbent 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu at anak nitong si Board Member Jhazzer King Mangudadatu.