-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga kapulisan at local government unit sa Metro Manila laban sa mga namemeke ng mga vaccination cards.
Kasunod ito sa mga magkakasunod na pagkakaaresto ng mga suspek na namemeke ng mga vaccination cards.
Pinakahuling naaresto rito ay ang dalawang babae na namemeke ng vax cards sa lungsod ng Marikina.
Mismong mga kapulisan ang nagsagawa ng entrapment operations laban sa mga suspek na ang isa dito ay computershop operator.
Base sa ilang mga naaresto ng mga kapulisan sa iba’t-ibang LGU sa Metro Manila na ibinebenta ng mga suspek ang pekeng vaccination card sa P250 kada isa.
Mahigpit din ang bilin ng PNP sa mga mamamayan na mahaharap sa kaso ang sinumang maarestong gumagawa ng mga pekeng vaccination cards.