-- Advertisements --

Ipapaubaya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa mga local government unit (LGU) kung kailangan pa ang negative COVID-19 results sa mga fully vaccinated na turista.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergerie na walang anumang kumontra sa panig ng LGU at IATF Resolution 101 at 124-B.

Nangangahulugan aniya nito na kikilalanin pa rin ng mga LGU ang nasabing nabakunahan na pero diskrisyon pa rin ito ng mga LGU kung kailangan pa ang negative result ng COVID-19.

Sa ilalim kasi ng AITF Resolution 124-B na ang maaari ng ipakita ng mga interzonal traveler ang kanilang vaccination card imbes na ang negative test result tuwing sila ay magtutungo sa ibang lugar.