KORONADAL CITY – Kinilala at pinarangalan ng local government unit (LGU) Banga ang naging papel ng Bombo Radyo Koronadal sa mabilis na pagkakaresolba sa nangyaring massacre sa Pamilya Magno sa Barangay Rizal-3 na ikinamatay ng tatlong magkakamag-anak at ikinasugat ng 4 na iba pa.
Ayon kay Mayor Albert Palencia, malaki ang naging kontribusyon ng Bombo Radyo sa pagsasagawa ng coverage kaya’t agad na nahuli ang suspek na si Gido Blatang alyas Paul Bautista.
Nagpasalamat din ang alkalde na naging mabilis ang pagkahuli sa suspek dahil nabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima na kinilalang sina Monlene Bautista, asawa ng suspek, anak nitong one anyos at ang biyenan nito.
Samantala, kinilala din ng LGU-Banga ang naging kontribusyon sa matagumpay na operasyon ng mga Barangay Officials, kasapi ng puisya, CAFGU na nakakita sa suspek at ang mga BPAT’s.